Showing posts with label print/publishing. Show all posts
Showing posts with label print/publishing. Show all posts

Tuesday, July 24, 2007

Harry Potter and the Record-Breaking Release


Millions of speed-readers now know the truth about the fate of their favorite boy wizard.

Harry Potter and the Deathly Hallows, the seventh and final tome in the spell-casting series, smashed records over the weekend, to become the fastest selling book in history, publisher Scholastic Inc. said Monday.

Within 24 hours of its release Friday at midnight, Deathly Hallows had moved 8.3 million copies in the United States alone, averaging more than 300,000 copies an hour—that's 5,000 a minute.

Deathly Hallows easily edged out J.K. Rowling's last release, Harry Potter and the Half-Blood Prince, which sold 6.9 million copies in its first 24 hours. In Great Britain, Deathly Hallows sold 2.65 million copies, beating out Half-Blood Prince's record of 2 million.

Amazon.com reported that a record 2.2 million preorders had been placed for the book, while Borders notched its highest sales day ever, with 1.2 million Deathly Hallows sold in its 1,200 stores worldwide on the first day of release.

{story from E! news}

Thursday, July 5, 2007

Death of America

Now before you think of anything about the title... what i'm referring here is about the tragic death of one of America's most popular comics superhero - a hero that's the ultimate symbol of nationalism, he was even named after the country itself -- Captain America is dead.


Yes, Captain America is dead and buried in the latest issue of Marvel Comics' "Fallen Son," due on newsstands the morning after Independence Day. After 66 years of battling villains from Adolf Hitler to the Red Skull, the red, white and blue leader of the Avengers was felled by an assassin's bullet on the steps of a New York federal courthouse.

In the most recent story line, he became involved in a superhero "civil war," taking up sides against Iron Man in a registration controversy, climaxed by his arrest and assassination. He was headed to court after refusing to sign the government's Superhero Registration Act, a move that would have revealed his true identity. A sniper who fired from a rooftop was captured as police and Captain America's military escort were left to cope with chaos in the streets.

Marvel says you never know what will happen. This is not Captain America’s first brush with death. Toward the end of World War II he plunged into the ocean during a flight on an experimental plane, and he was presume
d killed in action. Actually, he was encased in ice and in a state of suspended animation. Many years later he was discovered by the superhero group the Avengers and thawed out to continue his career.

So what do you think this time? Is it really the end of Capt. America? or will he come back again ala Superman?

Monday, June 11, 2007

Ang Paboritong Libro ni Hudas... paborito ko na rin :)


Nitong mga nakaraang linggo, naging tampulan ng usapan sa aming trabaho ang mga libro ng isang manunulat na nagngangalang Bob Ong. Halos lahat ng mga tao sa opisina ay kilala siya at pamilyar sa mga akda niya, maliban sa isa -- ako. Matagal na daw naipublish yung mga libro ni Bob Ong pero kahit isa doon ay walang akong nabasa... di ko alam kung bakit, siguro masyado lang akong "busy" nung mga panahon na iyon... pero wala akong natatandaan na taon kung kelan ako naging busy... siguro wala lang talaga akong perang pambili ng kahit anung babasahin. Sabi ng mga kaopisina ko maganda raw ang mga libro niya, astig, may dating, nakakatawa daw pero may "logic"... wow! di ko alam na may alam pala mga opismeyt ko pagdating sa "logic." Ang madalas lang kasi naming ginagawa ay magpipindot at magpipindot sa keyboard ng mga numerong binabasa lang namin sa monitor hanggang sa mamaga ang mga daliri namin. Wala nang isip-isip, basta pindot lang.

Eniweys, dahil siguro sa awa nung isa kong kaibigan dahil di ako makarelate sa usapan nila, pahihiramin nya na lang daw ako ng isa sa mga aklat ni Ong. Hindi ko na masyadong naintindihan nung sinabi nya yon, antok na antok na ako at nakikita kong mali mali na yung pinapasok kong numero (imbes na $100 nagiging $10,000) patay tayo dyan... Kaya kinabukasan laking gulat ko nang biglang may iniabot sa kin na isang itim na libro, sabi baka daw magustuhan ko iyon, binasa ko yung pamagat... "Ang Paboritong Libro ni Hudas." Di ko alam kung nang-iinsulto lang yung kasama ko, na baka Hudas ang tingin niya sakin... pero nabasa ko yung may akda - si Bob Ong... Ah! so ito pala yung sinasabi nila, sige mabasa nga.

Tama nga yung mga kaopisina ko, astig ngang sumulat itong si Ong. Matatawa ka sa mga kwentong sa una eh akala mo walang saysay pero sa bandang huli, ay mapapaisip ka at masasabi mong "Oo nga 'no, tama nga siya, ba't nga ba ganun tayong mga Pilipino?" Madaling maka-relate sa mga isinusulat ni Bob, lalo na't sa wikang tagalog niya ginawa ang libro (mas madali talaga akong naka-relate). Mapapasang-ayon ka sa mga bagay na napupuna niya sa ating paligid, sabay hihiritan niya ng matinding adlib para bigla kang matawa ng wala sa oras. Madalas mangyari sa kin yun, bigla na lang akong hahagalpak ng tawa, habang binabasa ang mga kwento at karanasan nitong si Bob Ong.

Maganda yung diskusyon ng dalawang pangunahing tauhan na nag-uusap sa simula pa lang ng libro. Nagdedebate sila at may pinagtatalunan, pero nasisingitan pa rin ng mga nakakatawang eksena. Pagkatapos nun ay bigla nang ipapasok ang mga chapter na kung saan ang mga titulo ay pinaghalo-halong letra... yung una ay may titulo na "NEVY" - iniskrambol na ENVY, ganun din sa mga sumunod na chapter na pag inayos mo ay mabubuo mo yung 7 mortal sins - ANGER, PRIDE, LUST, atbp. Eniweys bawat chapter ay may mga kwento na may kinalaman sa titulo nito... tulad na lang ng ANGER kung saan tinalakay ni Ong yung tungkol
sa mga naging titser niya sa eskwelahan na wala nang ginawa kundi magalit sa mga estudyante, gayun din ang tungkol sa pagmumura.

"Dahil matulungin ako sa mga classmates ko noong highschool, isang coed ang tinuruan kong magmura. Oo, magmura! Yung "bad word." May mali kasi sa paraan n'ya sa pagbigkas nito. Narinig ko minsan na nagsabi s'ya ng "Siyeeeht!" Sabi ko, salitang Amerikano 'yon. At bagama't hindi eksakto, katapat noon sa Tagalog ang expression na "Lintik!" At hindi mo ito sinasabi nang mabagal, gaya ng "Linteeehk!" Dapat mabilis, kasi galit ka, o na-bad trip: "LINTIK!" Kaya hindi rin akmang sabihin ang "Shit!" bilang "Siyeeeht!" kasi nagmumukha kang retarded. Dapat forceful" "Syit!" Isang bagsakan: "Syit!" Parang idinudura mo ang salita: "Syit!" Naintindihan n'ya naman ang ibig kong sabihin. Nagpasalamat s'ya sa libreng tutorial. Bilang ganti, pumayag na s'yang pahiramin ako ng notebook sa Values Education."

At pagkatapos ng bawat chapter ay bumabalik sa usapan nung dalawang pangunahing tauhan... at sa bandang huli, tsaka mo magegets ang tunay na mensahe ng libro... Opo, may magandang aral na kapupulutan ang bawat matiyagang magbabasa nito. Astig talaga, nagenjoy ka na sa kakatawa, matatauhan ka pa pagdating sa huli. At dahil diyan, sinauli ko yung libro at pinangako sa sariling bibilhin ang 6 na libro nitong si Bob Ong (yun eh kung magkaroon ako ng ekstrang pera pagdating ng sahod). Basta maganda tong librong 'to... kaya sa mga interesado rin bumili ng "Ang Paboritong Aklat ni Hudas," isa lang ang masasabi ko...

GO!